Personal na tinanggap ni Mr. Ruben Delos Santos, City Agriculturist ng pamahalaang lungsod ng Iriga ang 8 million worth of agricultural machineries galing sa Department of Agriculture – PhilMech sa loob ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Program.

Nandoon din sa ginanap na turn over ng mga nasabing mga machineries sina Camarines Sur 3rd District Congressman Gabriel Bordado at Mayor Tom Bongalonta ng bayan ng Pili.

Ang mga kagamitan ay kasalukuyang nasa Iriga City Terminal at ito ay nakahanda na upang mapakinabangan ng lahat ng Iriga City Rice Farmers sa buong lungsod.

Sinisiguro ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor na patuloy parin ang pagbibigay ng ibat-ibang programa sa lahat ng magsasaka sa lungsod ng Iriga at makumpleto ang mga kagamitang pang-agrikultura na libreng magagamit ng ating mga magsasaka.

Ang mga agriculture machineries na natanggap ng lungsod ng Iriga ay ang mga sumusunod;
a. One (1) unit Four Wheel Tractor
b. One (1) unit Rice Precision Seeder
c. One (1) unit Rice Reaper
d. One (1) unit Mine Rice Thresher
e. One (1) unit Rice Combine Harvester