Ito ay ilan lamang sa mga larawan ng mga priority projects ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor. Ang road concreting project na ito ay sa Barangay Antipolo sa lungsod ng Iriga.

Sa pagnanais ni Mayor Madel na maisaayos ang lahat ng kakalsadahan sa lungsod ng Iriga ay nagpapatuloy ang mga proyektong gaya nito upang mas mapabilis at maging komportable ang transportasyon ng lahat ng mamamayan sa lungsod at maging mabilis ang “farm to market road” ng lahat ng produktong agrikultura ng ating mga magsasaka.