Isa ang Iriga City Abattoir sa napiling Class “AA” na pasilidad upang pagdausan ng pagsasanay ng National Meat Inspection Service (NMIS) R5 at Agriculture Training Institute (ATI) R5.
25 kataong trainee meat inspectors mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region ang dumalo kung saan sila ay tinuruan ng tamang pagkatay ng mga baboy, baka, at kalabaw.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan nina Dr. Alex Templonuevo, OIC Regional Technical Director, Ms. Janet Bañes at Mr. Antonio Suares, NMIS Meat Inspectors, at Dr. Roberto Iglesia Jr. ng Iriga City Abattior.