Personal na binisita ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang ating Relief Goods Repacking Area upang makita ang sitwasyon ng ating mga volunteers at makita rin ang kalidad ng bigas na diniliver sa atin ng ating mga suppliers.

Ang inorder po ni Mayor Madel sa ating mga supplier ay bagong aning bigas na pre-packed ng ating mga supplier na nasa half-sack o 25 kilos.

Sino man ang nakatanggap ng bigas na hindi ayon sa standard at tamang bilang ng kilo ay mabuti na i-report natin ito sa ating Barangay Council upang mapalitan ito ng lokal na pamahalaan at atin po itong ibabalik sa ating mga supplier.

BABALA din sa ating mga supplier ng bigas na maging tapat sa pagkilo at repack ng ating mga bigas na ipinamimigay sa ating mga mamamayan. Mahalaga sa pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madel ang MAGANDANG KALIDAD NG SERBISYO.

Because each and every IrigueƱos deserves QUALITY and WORLD CLASS service.