#ThankYouBloodHeroes

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Blood Letting Activity na pinangunahan ng City Health Office. Mahigit walumpung donors mula sa mga kawani ng pamahalaan, mga mag-aaral, national agencies, non-government organizations, at mga pribadong indibidwal ang nagpunta sa Iriga City Hall upang mag-donate at makatulong sa mga nangangailangan.Ang Blood Letting Activity na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Tinagba Festival 2020.

#IrigaCity
#TinagbaFestival2020
#ExperienceIriga
#GiveBloodShareLife