Ang Character Walk na matatagpuan sa harapan ng Parroquia y Santuario Archidiocesano de San Antonio de Padua ay agaw atensyon ngayon sa ganda lalo na at hindi lang ito magandang tourist destination isa pa itong pag-papaalala sa lahat ng bibisita rito ng labing-dalawang (12) Core Values ng Iriga bilang “Character City”.
Ang mga Core Values at mga characteristics ng mga Irigueños na maipag-mamalaki worldwide ay matatagpuan dito via sculpture design. Ito ay pinagdiriwang kada-buwan.

Alamin ang mga core values kada-buwan sa Iriga City : https://iriga.gov.ph/12-core-values/
Ang Phase 1 ng proyektong ito na pinamunuan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor noong 2018 ay mayroong anim (6) na sculptures na gawa ng Irigueño na si Al Oliva. Laman ng mga sculptures na ito ang 12 Core Values ng mga Irigueños.