Ngayong Sabado, ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Iriga ang CIVIL REGISTRATION DAY 2021 sa pamamagitan ng libreng pag-isyu sa mga Irigueño ng kanilang civil registry documents. Ang mga kliyente ay nagpunta sa Iriga City Hall at tinulungan ng mga kawani ng Local Civil Registrar’s Office upang mabigyan sila ng mga kailangang dokumento. Ayon sa LCRO, nakapag-isyu sila ng 296 na dokumento para sa 247 na kliyente. Ang programang ito ay alinsunod sa SP Resolution No. 2014-072.

#IrigaCity #CivilRegistrationDay #mayormadelalfelor