Pormal nang nai-launch sa Iriga City ang Community Learning hub ng Office of the Vice President sa lungsod kung saan ito ay pinangunahan ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor kasama ang Iriga City Youth Development Council, Inc., SK Federation of Iriga at MillenialsPH.Nagkaroon na rin ng Parents Meeting sa mga beneficiaries nito sa lungsod na magiging gabay upang ma-improve ang kaalaman ng ating mga kabataang estudyante. Bahagi ng programa ang ibinigay ni VP Leni ang mga complete computer sets, printers, at ibat-ibang kagamitan na magagamit sa programang ito. Labis na pasasalamat naman ang ibinigay ni Mayor Madel sa walang sawang suporta ni Vice President Leni Robredo, Angat Buhay, Kaya Natin Movement, Makati Rotary Club, MillenialsPH, SK Federation Iriga, DepEd Iriga, DLMMS at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang proyektong ito para sa edukasyon.

#irigacity #mayormadelalfelor