Sa kasalukuyan an mayroon po tayong labing-tatlong (13) aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod at labing-tatlong (13) po sa total confirmed cases sa lungsod ang bilang ng namatay sa sakit na ito.

Ang pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ay patuloy pa rin ang pagsasagawa at pagpapatupad ng mga hakbang upang masiguro na nasa maayos na kalusugan ang lahat.Kailangan po namin ang tulong ng bawat isa upang mapatagumpayan po natin ang hamon ng pandemyang ito.

Siguraduhin po natin ang pagsunod sa standard health protocols na pinapatupad ng pamahalaan maging ang mga ordinasa na pinapasunod ng lokal na pamahalaan. Gumamit ng iContact App upang mas maging ligtas sa pagpasok sa mga business establishments sa lungsod.

Dios Mabalos po.