As of April 20, 2021

Labing-isa (11) ang mga naidagdag ngayong araw sa mga positibo sa Covid-19 sa ating lungsod. Sa kabuuan ay nagkaroon na tayo ng 256 na nagkasakit dahil sa Covid-19, labing-dalawa (12) sa mga ito ang namatay.

Maigting pa rin po ang aming pag-papaalala na makipagtulungan po tayo sa ating pamahalaang lungsod upang maibalik natin na Covid-19 FREE ang ating lungsod.

Iwasang lumabas ng ating mga tahanan at kung hindi maiwasan ay iwasan ang mga matataong lugar, mag-suot ng facemask at face shield, laging i-sanitze ang mga kamay gamit ang alcohol at panatiliin ang social o physical distancing.

Pinapaki-usapan po ang lahat ng Business Establishments sa lungsod na gumamit ng iContact upang mas mapabilis po ang ating contact tracing.