Personal na nagtungo si Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa City Terminal upang personal na makita ang sitwasyon ng pagdating ng mga turista at lahat ng bumabyahe sa lungsod.

Ang ating task force ay nagsasagawa ng data information gathering sa lahat ng pasahero ng mga bus na bumaba sa ating terminal kasabay ng pag-thermal gun sa lahat ng pasahero upang masiguro na sila ay walang anumang sintomas ng COVID-19.

Lahat ng mga taong na-verify natin na galing sa ibang bansa o sa lugar na may COVID-19 na dumaan sa ating 24/7 Checkpoint ay personal na binibisita ng ating mga Task Force upang ma-bantayan ang kanilang kalagayan.

Tandaan na ang lahat na nanggaling sa lugar o bansang may COVID-19 ay kailangang mag-HOME QUARANTINE.

Ang lahat ng ating ginagawa ay mga PREVENTIVE MEASURES lamang upang mapanatili nating COVID-19 FREE ang ating lungsod.