Dinaluhan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang isang Webinar na pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST). Kasama ni Mayor Madel ang IMT at EOC ng lungsod ng Iriga sa nasabing Webinar.
Tinalakay ni Ma. Theresa D. Alcantara, Supervising Science Research Technology ng DOST V ang gagamiting tools upang matrack ng bawat lokal na pamahalaan ang sakit na Covid-19. Ito ay ang FASSSTER isang web based sofware na magiging gabay ng mga lokal na pamahalaan sa pagbantay laban sa nakakamatay na sakit na ating nararanasan ngayon.
Ibinahagi rin ng DOST V ang isa pa sa kanilang paraan upang magreport ng nararamdaman ng isang individual sa kanyang kalusugan ngayong tayo ay nasa pandemya dahilan ng Covid-19. Ito ay ang TANOD COVID kung saan ang bawat indibidwal ay maaring magpadala ng mensahe sa DOST sa pamamagitan ng pagti-TEXT ng nararamdaman ng isang indibidwal sa kanyang kalusugan.
Ang mga teknolohiyang ito ay ipapatupad ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa mga susunod na araw upang mas mapalakas pa ang ating pagbantay at pagsisiguro na manatiling COVID-19 FREE ang ating lungsod.
City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
https://www.facebook.com/cdrrmo.irigacity/cdrrmo.irigacity@yahoo.com/
(054) 299 7083
09216364018/09561729656
IRIGA CITY FIRE STATION
San Franciso, Iriga City(054) 299 2555
IRIGA CITY POLICE STATION
San Franciso, Iriga City(054) 299 2222
POLICE OUTPOST
Beside LCC Mall, San Francisco, Iriga City(054) 299 1777
POLICE SUB-STATION 247
San Nicolas, Iriga City(054) 299 1888