Pangalawang araw na po ito ng ating pag-disinfect ng Central Business District 1 at Iriga City Public Market dito sa lungsod ng Iriga. Pinangunahan ito ng City Government Unit sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, Bureau of Fire Protection Iriga City, General Services Office at ng City Health Office ng lungsod. Ang Iriga City ang natatangi o pinaka-unang bayan/lungsod sa buong Bicol Region na nag-disinfect ng nasasakupang lugar.

Tandaan na lahat ng ating ginagawa ngayon ay preventive measures lamang upang mapanatili po nating COVID-19 FREE ang ating lungsod.

Magtulungan po tayo upang mapanatili po natin ang maayos na kalusugan ng bawat IrigueƱo.