Nagpatawag si Mayor Madel ng emergency meeting para sa mga eskwelahan, ospital, at mga negosyo dito sa Lungsod ng Iriga upang talakayin ang banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Hinikayat ang lahat na huwag mag-panic at sundin ang mga hakbang na inilatag ng City Health Office patungkol sa proper handwashing, pagpapalakas ng immune system, at pagkakaroon ng healthy lifestyle. Hinimok din ang mga dumalo para sa kanilang kooperasyon upang maka-iwas sa pinangangambahang sakit.

#IrigaCity
#COVID19