Namahagi ang ating pamahalaang lungsod ng Iriga ng FINANCIAL SUBSIDY sa 210 na Rice Farmers sa lungsod ng Iriga na nagkakahalaga ng 5,000 pesos kada magsasaka.

Pinangunahan ni Mr. Ruben Delos Santos, City Agriculturist ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor at ng Department of Agriculture ang ginanap na distribution ng Financial Subsidy for Rice Farmers sa Landbank, Iriga.

Ang Financial Subsidy na ito para sa ating mga Rice Farmers ay tiyak na makakatulong sa kanila ngayong panahon ng Covid-19 Pandemic.

Ito ay ilan lamang sa mga larawan sa naganap na Financial Subsidy for Rice Farmers.