Inilunsad ngayong araw ang “FREE CORN SEEDS ON WHEELS” na programa ng lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, City Agriculturist Mr. Ruben Delos Santos at ng Department of Agriculture.

Ang mga FREE CORN SEEDS ay ibinibigay sa ating Iriga City Farmers upang sila ay makapagpatuloy ng kanilang hanapbuhay sa kabila ng krisis sa Covid-19.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Iriga ay ilang taon ng Regional at National Corn Achiever, parangal na ibinibigay ng Department of Agriculture sa mga LGU sa buong Pilipinas.

Ngayong araw ang mga kawani ng City Agricultures Office ay nasa Barangay Sta. Isabel, Cristo Rey at San Rafael at mamayang hapon na man ay sila ay patungo sa Barangay Sta. Maria, San Pedro, Niño Jesus, Sagrada at San Ramon.

#cornseedsonwheels
#irigacityfarmers