Simula ngayong araw ay magagamit na ng mga Irigueños ang nag-iisa at kaunaunahang Online Consultation Application sa Bicol Region na LIBRENG magagamit ng mga nais magkaroon ng libreng konsultasyon sa doktor.

Ang nasabing application ay isa lamang sa mga features sa bagong version na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa iContact Application. Maliban sa libreng online consulation sa doctor ay maaari ring magamit and iContact Application upang maka-pagusap, mag-tanong o mag-report sa ating Incident Management Team ng lungsod patungkol sa Covid-19 Operations.

Kailangan lamang mag-register sa iContact upang magamit ang kakaibang features na ito; na kung saan ang serbisyo nito ay 24/7.Ang iContact App ay ang kauna-unahang contract tracing app sa Bicol Region.Frequently Asked Questions:

(a) Paano mag-register sa iContact?
Sagot : I-click ang link na ito : https://drive.google.com/…/1XsYim2ASMT6lR1O3frE…/view…


(b) Paano magagamit ang libreng konsultasyon sa doctor gamit ang iContact App?
Sagot : I-Click and link na ito:https://drive.google.com/…/1c5i1b7iEP9…/view…

(c) Paano magagamit ang libreng konsultasyon sa doctor gamit ang computer gaya ng desktop o laptop?
Sagot : I-Click and link na ito:https://drive.google.com/…/1bhY8IBbEsHC98C3XfzA…/view…

(d) Paano ma-download ang iContact App?
Sagot : I-Click ang link na ito at pag-katapos maidownload ay maari mo na intong ma-install sa iyong android phone. https://irigatechnohub.com/icontact/main/downloadApp

(e) Aandar ba ang bagong feature na ito sa lumang version ng iContact App?
Sagot : Hindi, kailangang i-download ang bagong version ng iContact Application at iinstall ito sa iyong smart phone.

(f) Aandar ba ito sa iPhone users?
Sagot : Ang iContact Application ay para sa android phone lamang. Kami ay kasalukuyang nagdedevelop ng iOS version nito at aming i-lalaunch ito sa oras na available na ito. Sa ngayon, maaari mong gamitin ang iyong iPhone gamit ang iyong Safari Web Browser at i-click ang; https://irigatechnohub.com/icontact/main/login

(g) May bayad pa ang pag-register?
Sagot : Ang pag-rehistro sa iContact ay LIBRE.