Half-million pesos na tulong ang ibinigay ni Mayor Jaime Fresnedi ng Lungsod ng Muntinlupa sa Iriga City bilang dagdag budget sa recovery program ng pamahalaang lungsod ng Iriga matapos ang mga sunod-sunod na bagyo na dumaan sa lungsod.

Sa post ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa social media ay hindi niya maitago ang pasasalamat kay Mayor Fresnedi, Council at sa lahat ng mamamayan ng Muntinlupa.

Matatandaan na nauna nang nakatanggap ng ayuda ang lungsod ng Iriga mula kay Vice-President Leni Robredo, DILG USEC. Jonathan Malaya, Kaya Natin Movement at sa SM (Shoemart/NRC).

#irigacity #mayormadelalfelor