Ito ay ilan lamang sa mga larawan ng House-to-House Relief Goods Distribution ng lungsod ng Iriga sa Barangay San Vicente Norte.

Dalawang relief good packs ang natanggap ng mga household sa nasabing barangay dahil ang isa ay mula sa lokal na pamahalaan ng Iriga at ang isa naman ay mula sa barangay.

Ang ginanap na Relief Goods Distribution ay pinamunuan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, CSWD Staff, Barangay Council at ng ilang mga volunteers.

Pinalalahanan ang lahat ng mga residente na ilabas na lamang ang upaan sa tapat ng kanilang mga tahanan upang masiguro ang pagkakaroong social distancing at maiwasan ang mass gathering.

Abangan ang Task Force Relief ng Iriga City sa inyong mga barangay. Lahat ng 36 na barangay at mga households sa buong lungsod ay mabibigyan ng relief ng lungsod.