Inaasahang mailulunsad muli sa lungsod ng Iriga ang paggamit ng iContact App, isang contact tracing app kung saan nauna itong nagamit noong panahon na ang buong Pilipinas ay nasailalim sa Enhance Community Quarantine o ECQ.
Ang nasabing app ay idinivelop ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor.
Isinagawa kahapon ang una sa apat na araw na pakikipagpulong sa mga business establishments sa buong lungsod upang ipaliwanag ang importansya at paraan ng paggamit ng iContact App.Naging positibo ang reaksyon ng mga business establishments sa lungsod sa unang araw ng oryentasyon kung saan ang lahat ng mga ito ay gagamit ng iContact App sa inaasahang paglulungsad nito muli sa susunod na mga linggo. Ang mga makabagong features at paggamit ng iContact App ay ating ipaliliwanag sa publiko sa mga susunod na araw.
#irigaDIGITALCITY #mayormadelalfelor #wolrdclasspublicservice