NEGATIBO sa Rapid at Swab Test ang mahigit 400 frontliners ng lungsod ng Iriga na nagsailalim sa FREE RAPID & SWAB TEST na pinamunuan ni Former Congressman Rolando “Nonoy” Andaya Jr.
Ginanap sa San Francisco covered court ang “Alagang Andaya” project kung saan nagbigay ng LIBRENG serbisyo sa mga mamamayan si Cong. Andaya sa ibat-ibang bayan sa Camarines Sur.
Lubos na pasasalamat naman ang ibinigay ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor matapos malaman nito na ang ginastos sa proyektong ito ay galing mismo sa sariling bulsa ng dating kongresista.
Ang Hi-Tech na SWAB Equipment na dinala ni Congressman Andaya sa lungsod ng Iriga ay nagmula pa sa bansang South Korea kung saan ito ay may 98% accuracy.
Ang nasabing ekipahe ang ginagamit ng South Korea sa kanilang pagtest sa Covid-19 suspected patients kung saan malalaman ang resulta ng Swab Test sa loob lamang ng 15 minuto.
#irigacityfrontlinersCOVID19FREE