Matagumpay na idinaos kanina ng Iriga City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang earthquake drill bilang bahagi ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong unang quarter ng 2021. Kabilang sa mga lumahok sa nasabing pagsasanay ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), City Health Office (CHO), at Civil Security Unit (CSU). Malaki rin ang ginampanan ng mga namamasukan sa Everest Plaza kung saan ginanap ang pagsasanay.Layon ng NSED na paigtingin ang kahandaan ng pamahalaang lokal sa pagharap sa mga sakuna tulad ng lindol at dagdagan ang kakayanan nito sa pagbuo ng ligtas na pamayanan. Pinalalakas din nito ang mga mekanismo ng pagtutulungan ng mga iba’t ibang ahensya tungo sa pagbibigay solusyon sa ating mga kinakaharap.

#IrigaCity #BastaIrigueñoAlisto #mayormadelalfelor