Sa kabila ng patuloy sa paglaban ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pandemya sa Covid-19 ay nagpapatuloy parin ang mga proyekto ng lungsod upang mapalakas at mapalago pa ang turismo at ekonomiya ng lungsod.
Ang Iriga City Amusement Park ay ang kauna-unahan at nag-iisang Amusement Park sa Bicol Region kung saan paghahanda ito sa pagbibigay ng trabaho at magpapalakas ang ekonomiya ng lungsod matapos malampasan ng buong mundo ang pandemya sa Covid-19.
Isa rin ito sa pagkukuhanan ng budget para sa magpapalakad ng gagawing IRIGA CITY PUBLIC HOSPITAL na inaasahang mag-uumpisa na rin ang konstraksyon sa mga susunod na buwan.
Trabaho para sa mga IrigueƱos ang maibibigay nito at dahil sa inaasahang dagsa ng mga turista sa panahong maari na itong magbukas ay lalakas din ang negosyo ng transportasyon gaya ng Tricycle, Multicab at ibat-ibang transportasyon sa bumabyahe sa lungsod. Malaking oportunidad din ito upang lumakas ang negosyo ng mga restaurants, fastfoods at ibat-ibang kainan sa lungsod. Kung saan kasabay narin nito ang paglago ng lahat ng negosyo sa Iriga.
#irigacityamusementpark #irigacity #mayormadelalfelor #worldclasspublicservice