Bumisita ngayong hapon ang ilang kawani ng Human Resource Management Office ng LGU Buhi upang mapag-aralan ang proseso ng lungsod pagdating sa HRM partikular sa paksang Recruitment, Selection and Placement (RSP).
Kabilang din sa mga tinalakay ang tungkol sa Learning and Development, Performance Management, at Rewards and Recognition na mga haligi ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management o PRIME-HRM.
Matatandaan na nakamit ng LGU Iriga noong nakaraang taon ang PRIME-HRM Bronze Award mula sa Civil Service Commission. Maliban dito, nagkaroon din ng open forum kung saan pinag-usapan ang mga best practices ng dalawang lokal na pamahalaan.