Ginanap kaninang hapon sa Iriga City Oragon Farm ang turn-over ceremony ng mga agricultural machinery at farm implements mula sa Department of Agriculture RO5 para sa mga samahan ng magsasaka ng Iriga City.
Pinangunahan nina Mayor Madel, Regional Executive Director Rodel Tornilla ng DA, at mga kawani ng City Agriculturist’s Office ang nasabing okasyon na bahagi ng High Value Crops Development Program Bayanihan II ng DA.
Kabilang sa mga nakatanggap ang Greenstar Vegetable Growers Association ng Barangay Sta. Maria, San Rafael Vegetable Growers Association ng Barangay San Rafael, at Millennial Farmers Association ng Barangay Niño Jesus.
Ang Iriga City Oragon Farm ay nabigyan din ng Modernized Urban Facility Package mula sa DA RO5.