Siniguro ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor na masaya ang pagsalubong ng mga Senior Citizen Social Pensioners sa Iriga City kung saan natanggap ng mga ito ang kanilang Social Pension na naipamahagi sakanila ng CSWDO sa pamumuno ni Ms. Maridel Verroza, CSWDO Head, sa ibat-ibang lugar sa lungsod.Halos nasa 3157 pensioners ang nabigyan ng social pension na nagsimula December 29 at natapos ng December 30, 2020. Naganap ang distribution sa Sagrada Reception Hall, Sta. Maria Covered Court, San Agustin Chapel, San Isidro Chapel, San Nicolas Covered Court, San Juan Covered Court at San Vicente Sur Covered Court.

#irigacity #mayormadelalfelor #worldclasspublicservice