Tuloy-tuloy parin ang “Talipapa sa Barangay” o LGU Satellite Market sa ibat-ibang barangay sa lungsod ng Iriga. Hinihikayat ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor na ang lahat ng 36 na barangay sa lungsod ay magkaroon ng “Talipapa sa Barangay” sa kanilang lugar.

Ito ay isang paraan upang mas maipalit sa mga mamamayan ng lungsod ang kanilang araw-araw na pangangailangan sa pagkain.

Narito ang ilan sa mga barangay na aktibo sa kanilang “Talipapa sa Barangay” o LGU Satellite Market;
1. San Francisco
2. Salvacion
3. San Juan
4. San Roque
5. San Miguel
6. San Nicolas
7. Francia
8. Sto. Domingo
9. Sta. Cruz Sur
10. San Jose
11. Sagrada

Kung ang inyong barangay ay mayroon ding “Talipapa sa Barangay” o LGU Satellite Market ay i-comment lamang ang larawan at pangalan ng barangay.