Isinagawa kaninang umaga ang turn-over at distribution ng relief goods ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa Diamante Street Barangay San Isidro na pinamunuan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, Maridel Verrosa CSWDO Head at Marieser Almelor CDRRMO Head ng nasabing lungsod sa tulong narin ng barangay council ng San Isidro.

Nasa 500 households ang nabigyan ng ayuda kung saan ang bawat relief goods ay naglalaman ng mga sumusunod;(a) Five (5) kilos of Rice(b) Two (2) packs of pansit bato(c) Ten (10) sachet twin pack coffee(d) One (1) whole chicken.

Mahigpit ang pinatupad na health protocols sa ginanap na distribution ng relief goods sa nasabing lugar kung saan tanging mga kawani ng CSWDO ang nakapasok sa lugar at sila ay nakasuot ng Personal Protective Equipment o PPE para narin sa kanilang kaligtasan.Inabisuhan din ang lahat na bawal lumabas ng kanilang mga tahanan ang mga mamamayan at sila ay naatasan lamang na mag labas ng upuan sa tapat ng kanilang tinitirahan.
Ang Diamante St. ay kasalukuyan pa ring naka-total lockdown sa mga oras na ito.