Naging bahagi si Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa ginanap na Webinar kaninang hapon ika-16 ng Abril, 2021. Kung saan ibinahagi ng alkalde ang kanyang mga adbokasiya at proyekto bilang isa siya sa naniniwala at nakikipaglaban para sa karapatang pangtao.

Isa si Mayor Madel sa walong naging speaker sa programa ng Commission on Human Rights (CHR), Region V na may tamang “Breaking the Glass Ceiling : Women’s Narratives during the Covid-19 Pandemic”.

Kasama rin bilang isa sa mga speaker si Punong Barangay Ma. Prinsibini O. Monsalve ng San Miguel, Iriga City. Si PB Monsalve ay ang Presidente rin ng Local Council of Women at ng KALIPI City Federation.