Isa sa hinihikayat ng Department of Agriculture na magkaraoon ang bawat bayan sa buong Pilipinas ng “Trading Post” kung saa agad naman itong inaksyonan ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor. Ginanap kahapon , ika-25 ng Enero taong 2021 ang MOA Signing and Ceremonial Turn-Over ng dating Philtranco Terminal na ngayon ay pagmamay-ari ni Mr. Ronaldo Tan. Buong puso na ipapahiram ni Mr. Tan ang mahigit 900 square meters para matayuan ng Iriga City ng “Mercado sa Philtranco”.Layunin nito na makapagbigay pa ng dagdag trabaho at kita sa lahat ng ating mga traders sa buong lungsod. Walang anumang bayad o LIBRE na ipapagamit ni Mr. Tan ang lugar na nakalaan para sa Mercado sa Philtranco.

#irigacity#mayormadelalfelor