Nais pong iparating ng lokal ng pamahalaan ng Iriga ang taos pusong pasasalamat kay MR. YANG ng 202 ENTERPRISES sa dinonate po nilang 85 na sako ng bigas.

Sa laki po ng demand at hirap po ng pag-bili ng bigas ngayong panahong ito ay malaking tulong po ito sa ating mga kababayan.

Personal pong pinapaabot ng lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang pasasalamat at nawa’y mas yumabong pa ang inyong negosyo upang mas marami pa ang inyong matulungan.

Ang donation na ipinagkatiwala sa lokal na pamahalaan ay pandagdag po sa ating mga relief goods operations sa buong lungsod.