Kasalukuyang nag-hahanda ng relief goods ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor. Sinimulan ito kaninang umaga ng Task Force Relief Goods na kinabibilangan ng City Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Ms. Maridel Verrosa, CSDWO Head ng lriga City.
Ang mga relief goods na kasalukuyang inihahanda ay para sa mga lugar na kasalukuyang naka-lockdown partikular sa isang purok sa Barangay Santiago.