Sa kabila ng ating nararanasang pandemya sa Covid-19 ay patuloy parin po ang pamimigay sa ating mga Iriga City Farmers ng Seed at Fertilizer sa ating qualified beneficiaries.

Sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ng pamahalaang lungsod ng Iriga kasama si Mr. Ruben Delos Santos ng City Agricultures Office sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa Department Agriculture at PhilRice ay isinagawa ang Mobile Enrollment for Registry System at Seed/Fertilizer Distribution sa ibat-ibang farmers sa buong lungsod.

Nais masiguro ni Mayor Madel na magiging sapat ang produktong agrikultura sa ating lungsod lalo na ngayon sa panahaon ng pandemya.