Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, Maridel Verrosa, CSWDO Head, pamunuan ng DSWD, mga Punong Barangay at buong Barangay Council pati narin ang ilang mga volunteers and pamimigay Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.

Nasa ikatlong (3) araw na sila ng pagbigay sa kwalipikadong benipisyaryo sa programa ng DSWD SAP.

Sa ngayon meron ng labing-apat (14) na mga barangay sa lungsod ng Iriga ang nabibigyan ng SAP.
1. Sta Isabel
2. Cristo Rey
3. San Rafael
4. San Ramon
5. Antipolo
6. NiƱo Jesus
7. La Anuciacion
8. Del Rosario
9. San Roque
10. San Vicente Sur
11. San Andres
12. Sta Cruz Norte
13. San Vicente Norte
14. San Pedro

Sa mga susunod na araw ay ibang barangay naman ang amin pong pupuntahan at makakasiguro po ang lahat ng 36 na barangay sa lungsod ng Iriga ay amin pong pupuntahan.