Matagumpay na idinaos kaninang umaga ang programa ng City Veterinary Office para sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong Marso. Unang isinagawa ang isang motorcade kung saan inikot ang Central Business District at mga kalapit na barangay.

Pagkatapos nito ay ginanap sa Iriga City Ceremonial Grandstand ang libreng bakuna para sa mga alagang aso’t pusa. Mahigit 150 na alagang hayop ang nabakunahan. May ilan ding nagmula sa mga katabing munisipyo na dumayo upang mapabakunan ang kanilang mga alaga.

#MagingResponsablengPetOwner
#EndRabiesNowNa