Ito ang unang araw ng muling pamimigay ng relief goods sa lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor.

Kasalukuyang nasa larawan ay ang pamimigay ng relief goods sa barangay San Juan, Sta. Elena at Del Rosario (Banao) kung saan bawat household ay makakatanggap ng mga sumusunod;
(a) Kalahating sako ng bigas
(b) 5 lata ng sardinas
(c) 1 pack ng pancit
(d) 10 twin pack ng kape

Lahat ng household sa 36 na barangay sa buong lungsod ay mabibigyan ng relief goods na ipinamamahagi ng pamahalaang lungsod ng Iriga.

#reliefgoodsIRIGA
#halfsackofrice