Personal na inisa-isa ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor at iniabot ang mga relief goods na dala ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa Zone 1 at Zone 3 sa Barangay Santiago, Iriga City.

Ang nasabing mga lugar ay kasalukuyang nasa lockdown upang masiguro na hindi na kumalat pa ang kaso ng Covid-19 sa lugar. “Personal kong pinuntahan at tinanong lahat ng tao doon para malaman ko sitwasyon nila at maibigay ng tama ang pangangailangan nila” ayon kay Mayor Madel.

Lahat ng households sa lugar ay nagbigyan ng mga sumusunod;
(a) 10 kilo of Rice
(b) Assorted Vegetables
(c) 1 tray of Egg
(d) 1 whole chicken
(e) 1 kilo pork
(f) Mongo
(g) Noodles
(h) Assorted Canned Goods (Sardines, Corned Beef & Meat Loaf)
(i) Coffee
(j) Condiments
(k) Clean Water

Inabot man ng gabi ang relief operations ay siniguro ni Mayor Madel na mabibigyan ang lahat ng households sa araw na iyon. “Hindi pwedeng ipag-pabukas pa ang paminimgay ng relief goods sa kababayan ko. Kahit anong oras tayo abutin ayos lang ang importante matutulog kaming lahat ngayong gabi na alam naming mayroon silang mapagsasaluhan ng pamilya nila sa ilang araw.” dagdag ni Mayor Madel.