Dahil na rin sa magandang relasyon ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor at Department of Agriculture ay kasalukuyang ginagawa ngayon ang isang (1) kilometrong kongkretong kalsada sa Barangay San Vicente Norte, Iriga City.Ang mga ibang barangay na kailangan rin na kaparehong proyekto ay unti-unti na ring binibigyan ng prayoridad ng pamahalaang lungsod sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay council ng bawat lugar.Sinisiguro ni Mayor Madel ang lahat ng mamamayan na ginagawa ang lahat ng makakaya ng pamahalaang lungsod upang mabigyan ng maayos na kakalsadahan ang buong lungsod.

#irigacity #mayormadelalfelor