Ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang mga natanggap nitong mga kahon-kahon na Infrared Thermometers sa ibat-ibang hospital sa lungsod gaya ng;

– Lourdes Hospital
– Mediatrix Hospital
– Villanueva-Tanchuling Hospital
– Maria Josefa Foundation Hospital

Matatandaan na natanggap ng pamahalaang lungsod ng Iriga ang mga nasabing ekipahe mula kay Mayor Guohui ng Guangzhou dahil narin ito sa pagkakaroon ng magandang relasyon ni Mayor Madel sa international community dahilan ng kanyang pagiging Treasurer sa United Cities and Local Governments (UCLG) World.