Mas pinabilis ng pamahalaang lungsod ng Iriga ang pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP) Cash Fund sa mga valid recipients ng programa.

Pinamunuan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor at ng buong kawani ng CSWDO, Punong Barangay at ang buong Barangay Council at ilang volunteers ang pagpapabilis ng cash distributions sa mga benipisyaryo ng programa ng DSWD.

Ngayong araw, (April 26, 2020) ang target na maging “100% COMPLETE” na ang distribution ng SAP Cash Fund.