Saludo ang buong pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor kay Marlon Cerillo ng Sta. Cruz Sur, Iriga City kung saan una nang nakatanggap si Marlon ng 5,000 pesos cash fund mula sa Social Amelioration Program ng DSWD.

Nang malaman niya na siya ay makakatanggap ng Cash Fund mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang emplyedao ng JShoppe nagdesisyon si Marlon na ibalik na lamang ang perang kanyang natanggap mula sa SAP upang mapakinabanggan ng ibang nangangailangan.

Ang naibalik na Cash Fund ni Marlon ay ibinigay ng CSWD sa ibang mamayan na hindi nakatangap ng CASH FUND subalit kwalipikado ayon narin sa guidelines ng DSWD.

Ikaw? May “Good News” ka ba? I-send lamang ang inyong good news sa ating facebook messenger at magpadala ng istorya ng inyong good news kalakip ang larawan ng inyong good deed.