Buo ang suporta na ibinigay ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa programa ng DepEd Iriga na “Share a Star for a New Hope” kung saan personal na dinaluhan ni Dr. Nenet BeriƱa, CHRMO Head ng lungsod ang nasabing programa.Ang “Share a Star for a New Hope” ay isang outreach program ng SDO Iriga City na may layuning makalikom ng pondo sa pamamagitan ng cash, food items, clothings, personal hygiene kits at ibat-iba pang mga kagamitan galing sa mga kawani ng DepEd at mga stakeholders.500 empleyado at mga guro ang kusang loob na nag-share a star na nagkaka-halaga ng P 1,000 sa Red Star, P 500 sa Green Star at P 200 naman para sa yellow star.Lahat ng naipon sa programang ito ay mapupunta sa mga ibat-ibang beneficiearies sa Albay, Tabaco City, Catanduanes at lungsod ng Iriga.#irigacity#DepEdIriga#mayormadelalfelor