Upang mapangalagaan ang lahat ng konsumer ay nagsagawa ng inspection ang opisina ng Market Superintendent kasama ang mga market enforcers at DOLE-GIP na sinamahan ng iPatrol Iriga Special Task Force at ng Civil Security Unit sa mga timbangan sa San Isidro-San Agustin Market.

Ipinaalam rin ng LGU-Iriga sa lahat ng nagtitinda sa nasabing lugar ang kasalukuyang price freeze sa karne ng baboy at manok dahil na rin sa naideklarang state of calamity dahilan ng ASF ayon sa Department of Agriculture.

Pinaalalahanan din ang lahat sa mga City Ordinace na mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod gaya ng Mandatory use of Facemask and Observance of Physical Distancing, No Smoking Ordinace, Prohibition of use of Plastic Waste Segregation and time of garbage collection.

Photos : iPatrol Iriga