Upang mahikayat ang lahat ng Irigueños ay pinangunahan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang unang araw ng registration ng Philippine Identification System o PHILSYS National ID kung saan ang alkalde ng lungsod ay nagparehistro sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ilan rin sa mga Irigueños ang nakapagrehistro ngayong araw sa PHILSYS National ID.Ang registration center ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Iriga City ICT TechnoHub . Ang mga indibidwal na na-survey na ng PSA ang magkakaroon ng pagkakaton na makapagrehistro sa National ID System ng gobyerno. Hintayin lamang ang text message ng pamunuan ng PSA upang malaman ang inyong schedule.

#IDnatin#irigacity#mayormadelalfelor#philsys2021