Isa nanamang #UCLGMeets Executive Bureau Webinar ang dinaluhan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor kung saan muli; bilang UCLG World Treasurer ay nabigyan ng pagkakataon si Mayor Madel na magsalita sa harap ng ibat-ibang mayor sa buong mundo.

Ilan sa mga nakasama ni Mayor Madel sa #UCLGMeets Executive Bureau Webinar sina Mayor Virginia Raggi ng Rome (Italy), Mayor Mohamed Boudra ng Morroco (UCLG World President), Mayor Ada Colau of Barcelona (Spain), Deputy Mayor ng Kazan at iba pang mayor sa ibat-ibang bansa.Nagsimula ang webinar 8:30 ng gabi at natapos ng 1:00 ng umaga na ginanap araw ng biyernes, May 29, 2020.Sa araw na iyon ay apat (4) na pinaghalong webinar at teleconference ang dinaluhan ni Mayor Madel kung saan nagsimula ito ng 8:30 ng umaga kung saan isang teleconference kasama ang nasa Kagawaran ng Edukasyon, 10:00 ng umaga naman ay ang Senate Hearing patungkol sa patuloy na paglaban sa Covid-19, pangatlo ay ang UCLG Asia-Pacific Webinar dakong alas-3 ng hapon at ang huli ay ang UCLG World Executive Bureau Webinar.