TROPICAL STORM “DANTE” SIGNAL # 2 : IRIGA CITY

LOKASYON: 220km East of Maasin City, Southern Leyte o halos 400km TIMOG KANLURAN ng Iriga City, Camarines Sur

LAKAS: Lakas ng hangin na 75kph malapit sa gitna at 90kph pabugso bugsong hangin. (NAPANATINILI PA DIN NI TS DANTE ang kanyang lakas)

GALAW: 15kph patungong Kanluran Hilagang-Kanluran (BAHAGYANG BUMAGAL)LANDFALL: EASTERN SAMAR / LEYTE

PAGTATAYA: “DANTE” ay patuloy na patungong WEST NORTHWESTWARD or NORTHWESTWARD hanggang bukas. Ang mata ni “DANTE” ay initial na maglandfall sa Eastern Samar or Leyte ngayong hapon o mamayang gabi. Subalit, dahil sa galaw ni “Dante” sa mga nakalipas na ilang oras, may mataas na posibilidad na si “DANTE” ay tutungong WEST NORTHWESTWARD or WESTWARD na maaaring magdulot na si DANTE ay maglalandfall sa Leyte or Dinagat Islands-Siargao Islands area.

EPEKTO:Asahan ang MAHINA hanggang KATAMTAMAN na may paminsan-minsan MALAKAS na ulan mula ngayong gabi na dulot ni “DANTE” na maaaring magpatuloy hanggang bukas kung saan ay possibleng dadaan na si “DANTE” sa Kabikulan.

PINAGMULAN: DOST-PAGASA