Ginanap kanina ang unang araw ng pamimigay ng Social Amelioration sa lungsod ng Iriga. Ang distribution ay pinangunahan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor kasama ang DSWD Region, CSWDO, mga Punong Barangay, Barangay Councils, BHERTS, Barangay Tanods at ilang mga volunteers.

Ang mga barangay na napuntahan ng lokal na pamahalaan kanina ay ang mga sumusunod;
1. Sta. Isabel
2. San Rafael
3. Cristo Rey
4. San Ramon
5. Antipolo
6. Niño Jesus

Lahat po ng barangay na may benipisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng National Government (DSWD) ay ating pong punpuntahan.

Hinihikayat po namin ang lahat ng mga susunod na barangay na aming pupuntahan na sumunod sa patakaran na ating pinapatupad sa “social distancing”.