Naging matagumpay ang unang linggo ng Community Learning Hub na proyekto ng Office of the Vice President sa pangunguna ni VP Leni Robredo at pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor na pangunahing abala rito ang Iriga City Youth Development Council, Sangguniang Kabataan Iriga, MillenialsPH Iriga at MAG Scholars. Layunin ng programang ito na mapalakas pa ang programa ng pamahalaang lungsod sa Edukasyon kung saan ang ating mga kabataang mag-aaral ay libreng makakagamit ng computers na may internet connection para sa kanilang pag-reresearch kung saan meron na ring printer na kanilang magagamit kung kailangan nilang i-print ang kanilang nareseach.Saludo ang buong lungsod at si Mayor Madel sa lahat ng kabataang Irigueño na taos puso ang pagsisilbi sa Iriga. Sila ang mga tunay na anak ng lungsod ng Iriga, ang ating mga susunod na lider sa lungsod.

#irigacity #mayormadelalfelor #SKiriga #angatbuhay #vpleni #KayaNatinTo