Buong tiwala na ipinadaan ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang mga relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong “Rolly” at “Ulysses”.Ibat-ibang mga barangay ang mga nabigyan ng tulong ng programa ni Usec. Malaya sa TeleRadyo DZMM na pinamagatang “Kwentuhang Lokal sa DZMM” kung saan kasama nito sa programa si Mr. Jay Ruiz.Laking pasasalamat ni Mayor Madel Alfelor kay Usec. Malaya dahil hindi ito nakakalimot sa lugar na kanyang pinanggalinan at laging buo ang suporta nito sa lahat ng proyekto at adhikain ng pamahalang lungsod sa pamumuno ni Mayor Madel.Matatandaan na ilang linggo palang ang nakakalipas ay nagpadala ng mga kagamitang medikal panlaban sa Covid-19 si DILG Secretary Eduardo Año at Usec. Jonathan Malaya na labis namang pinasalamatan ng Alkaldesa.
#irigacity #thankyouUSECJONATHAN #mayormadelalfelor