Pumukaw sa mata ng isang Singaporian News Agency ang naging programa ng lungsod ng Iriga sa panahon ng Covid-19 at ito ay ang “Vegetables on Wheels” kung saan ang pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor at City Agriculturist Mr. Ruben Delos Santos ay bumili ng mga inaning panamin ng ating mga Iriga City Farmers at ito ay ating inilako sa lahat ng 36 na barangay sa buong lungsod.

Nailathala sa Eco-Business.com ang maituturing na “best practice” ng lungsod ng Iriga sa pagharap nito sa bagong hamon ng Covid-19 Pandemic. Ang Eco-Business.com ay isa sa pinagkakatiwalaang news website sa buong Asia kung saan sila ay tinanghal na BEST NEWS WEBSITE OR MOBILE SERVICE ng ASIAN DIGITAL MEDIA AWARDS 2019.

Mababasa ang buong artikulo sa link sa ibaba.
https://www.eco-business.com/…/to-achieve-food…/